ME: Uuy, ano ba pantanggal ng sore throat?
CLASSMATE: Try mong uminom nito, wala namang mawawala.
ME: NAKNG GUSTO KO NGA MAWALA SORE THROAT KO TAPOS SASABIHIN MO WALANG MAWAWALA
Kahit ‘yung pinakapinag-kakatiwalaan mong tao, kaya ka nang traydurin. Ganyan kalupit ang tao. Kaya mag-ingat ka.
SIYA: Magaling ka sa Statistics?
AKO: (nagyabang) Naman! Sisiw.
SIYA: Sige nga, pa’no nakuha LMC?
AKO: Ay absent ako nyan :(
DAD: Ba’t malungkot ka?
AKO: Wala na’ko pera :(
DAD: Edi bibigyan kita. Bukas, ipaalala mo.
Hahahahaha technique ‘yon guise! :)))
Nakakapagod din pala.
(Source: iyacadabra)
AKO: Kuya bayad po.
DRIVER: (inabot)
AKO: Isang maganda.
‘Pag umaalis ako, ‘di ako nanghihingi ng pera sa magulang ko. Maski kapag may gusto akong bilhin, sariling pera ko pa rin. Pwera na lang kung bibigyan talaga nila ‘ko. Pero kalimitan, hindi ako/’di ko gawaing manghingi. Para wala lang silang isusumbat sa’kin. Techniqueee ‘yon :))
Wala siyang gusto sa’yo, marunong lang talaga siyang tumanaw ng utang na loob.
(Source: iyacadabra)
Sa tingin ko, wala naman talagang masama. Nagiging masama o mali lang siya kapag nasobrahan.
Halimbawa na lang sa bisyo, bakit kailangan pang mag-imbento ng mga bagay-bagay tapos bawal naman pala? Mag-iimbento ng mga alak at sigarilyo pagkatapos sasabihing maaaring isa ‘yun sa dahilan ng pagkamatay natin.
Tayo rin ang gumagawa ng makakasama sa’tin e. Bakit ganun ang tao? Este, bakit ganun tayo?
Sigurado ba kayong mahal ka ‘nun? Malay mo, niligawan ka lang pala niya kasi alam niyang may gusto ka sa kanya. Tapos iiyak iyak ka pagdating ng oras. Magiging bitter ka na sa lahat ng lalaki na para bang nakuha mo na silang lahat. Sa susunod, ‘wag kayong magbibigay ng motibo. Saka na kayo kiligin, ‘pag ‘di na sila nakatingin.
(Source: iyacadabra)
Ang pagmu-move on kasi, may mabilisan, madalas naman matagal. Pero tiwala lang, darating ka rin dyan.
(Source: iyacadabra)